Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Kasera at boarder natagpuang patay

March 26, 2020

Bukidnon—Natagpuang patay ang isang kasera at boarder kamakalawa sa Bgy. 1, Malaybalay City.

 

Kinilala ang dalawang biktima na nagtamo ng mga tama ng saksak na sina Aquialiano Limocon, may-ari ng bahay at Roger Ramonal, boarder, kapwa residente sa nasabing barangay.

 

Nabatid na isang welder na nagtatrabaho sa bahay ni Limocon ang nakatagpo sa bangkay ng dalawang biktima na may mga tama ng saksak sa katawan.

 

Ayon sa pulisya, posibleng mga miyembro ng “Akyat-Bahay Gang” ang pumatay sa dalawang biktima.

 

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr