Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Kagawad, kulong sa overpriced na alcohol

March 26, 2020

 

Timbog sa entrapment operation ang isang barangay kagawad, kanyang anak na lalaki at dalawang tauhan sa pagbebenta ng mahigit sa dobleng presyo ng alcohol sa Pasay City, kamakalawa ng hapon. 

 

Kinilala ni Pasay City Police Chief P/Col. Erickson Dilag, ang mga suspek na sina Gemma Montalbo, 51, kagawad ng Bgy. 88; anak nitong si Eduardo Salvador, 24, at mga helper na sina Harvy Besa, 20, at John Paul Delos Reyes, 20.

 

Ayon sa ulat ni P/Col. Dilag, nag-ugat ang entrapment sa intelligence report na natanggap ng Air Intelligence and Security Wing ng PAF at naberipika ng mga tauhan ni P/Captain Deni Pedroso, hepe ng Pasay Station Intelligence Section. 

 

Miyerkules ng hapon nang makabili kay Eduardo ng isang alcohol ang umaktong buyer sa halagang P185, gayung ang regular price lamang ay P74, kaya ito hinuli.

 

Nagsilbi pa umanong lookout si Kagawad Montalbo kaya binitbit din at naniniwala ang mga awtoridad na ginagamit nito ang posisyon sa hoarding at selling ng overpriced na alcohol at mga helper na naroon sa entrapment.

 

Nakumpiska ang may kabuuang 504 piraso ng tig-500ml alcohol sa mga suspek.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr