Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

It’s showtime hosts, work from home makapag-show lang

March 26, 2020

Beth Gelena / Bulgary Files

 

 

Live streaming ng It's Showtime ang napanood ng madlang pipol ngayong Huwebes (March 26). Via Zoom ay pinagsama-sama ng Kapamilya Network ang mga hosts ng noontime show na sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Karylle, Ryan Bang, Amy Perez, Jugs & Teddy at Jhong Hilario.

 

Si Anne Curtis na nasa Australia pa rin ay naka-live stream din dahil nami-miss na raw niya ang madlang pipol.

 

May koneksiyon pa rin ang grupo ng audience sa programa. May pa-challenge kasi sila sa nilikhang kanta ni Vice hinggil sa COVID-19, ang Corona Ba-Bye Na.

 

Nakakaaliw panoorin ang mga hosts na nasa kani-kanilang tahanan. Ang ginawang live streaming ng It's Showtime ay nakapagbigay ng good vibes sa madlang pipol dahil sa totoo lang, nakakapraning na rin naman ang halos dalawang linggong nasa bahay lang ang mga mamamayan.

 

 

 

***

 

 

LAHAT NG SERYE NG DOS NGAYON, PASOK SI MAJA

 

MAJA Salvador festival ang napapanood na teleseye sa ABS-CBN. Imagine, nasa The Legal Wife siya starring Angel Locsin at Jericho Rosales, tapos sa May Bukas Pa ay naroroon din ang Kapamilya actress kung saan neneng-nene pa si Maja.

 

Pagkatapos naman ng On The Wings of Love nina Nadine Lustre at James Reid ay muli namang napapanood si Maja sa Wildflower kung saan siya na ang pinaka-lead actress.

In fairness sa Kapamilya Network, pawang magagandang programa ang kanilang inire-replay.

 

Ang Walang Hanggan nina Richard Gomez, Dawn Zulueta at Coco Martin-Julia Montes tandem ay sinusubaybayan din uli ng mga televiewers. Nasa cast din si Ms. Susan Roces na habang nanonood kami ng aking apo who is 3 years old, na-amaze ako kasi nakilala niya si Susan.

 

Ani ng apo ko, "Mama, Lola Flora ‘andu’n, oh."

 

Ang siste, hinahanap niya si Cardo Dalisay.

 

Iba talaga ang epekto ng Ang Probinsyano ni Coco, huh?

 

 

 

***

 

 

CATRIONA, NAGPAKAIN SA 1,000 PAMILYA SA TONDO

 

NAGPAKAIN ng 1,000 families sa Tondo, Manila ang 2018 Miss Universe na si Catriona Gray katuwang ang partner niya sa adbokasiya na Young Focus.

 

Sa Instagram account ng beauty queen, nanawagan siya sa mga nais tumulong sa mga naninirahan sa Tondo lalung-lalo na raw ‘yung mga nakatira sa Smokey Mountain.

 

Aniya, masuwerte raw tayong mga nakakakain pa nang maayos at may naipapantustos pa sa ating pang-araw-araw na pagkain, pero paano nga naman ang mga less fortunate people ngayong nasa gitna tayo ng krisis dahil sa Coronavirus?
 

Sa mga nais daw na mag-donate, puwedeng ipadala ang donasyon sa bdo.com.ph.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr