Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Derek, umaming may ibang kayakap sa gabi, ‘di si Andrea

March 26, 2020

Erlinda Rapadas / Teka Nga

 

Habang may lockdown dahil sa COVID-19…

WILLIE, DINALAW ANG MGA TAGA-PUERTO GALERA AT NAMIGAY NG RELIEF GOODS

Dahil hindi na puwedeng mag-show nang may audience ang Wowowin dahil sa Luzon lockdown dulot ng COVID-19 pandemic, mga throwback episodes muna sa nasabing game show ni Willie Revillame ang umeere.

 

Pero nakaisip ng solusyon si Willie kung papaano makakapag-show nang live ang Wowowin habang nasa resort niya sa Puerto Galera.

 

Naisip niyang mag-FB Live ang Wowowin at araw-araw din itong mapapanood sa time slot ng show. 

Nagpagawa si Willie ng studio sa kanyang bahay-bakasyunan sa Puerto Galera kung saan niya gagawin ang FB Live ng Wowowin. Dito siya mamimigay ng premyo sa mga manonood.

 

May itatanong si Willie habang umeere ang kanyang Wowowin Fb Live at ang sagot ay mapapanood sa throwback episodes ng show na umere sa mismong araw na 'yun. Kaya dapat na tumutok din ang lahat sa replay episodes na ipinalalabas ng Wowowin.

 

Sa araw na ito ang simula ng FB Live ni Kuya Willie kaya tutok na!

 

Samantala, maraming barangay sa Puerto Galera ang dinalaw ni Willie at naghatid ng bigas, mineral water, atbp. ayuda.

 

♥♥♥

 

FDCP Chair Liza Diño, bibigyan ng financial support ang mga no work, no pay sa showbiz

 

Maraming maliliit na movie workers ang tiyak na mabibiyayaan sa ginawang aksiyon ni FDCP President Liza Diño na naglalayong bigyan ng kaukulang compensation ang mga manggagawa sa movie industry na bumabase lang ang kita sa kanilang mga projects or ‘yung "no work, no pay".

 

Kaya naman ipinaglaban ni Chair Liza na mabigyan ng ayuda at tulong-pinansiyal ang mga manggagawang per day basis lang ang kinikita para ‘yung mga character actors, stuntmen, talents or extras, legmen, props men, atbp., kahit paano ay maka-survive sa panahon na wala silang trabaho at pagkakakitaan.

 

May apela naman ang ilang freelance entertainment press na gustong iparating kay FDCP Chair Liza. Bahagi rin daw sila ng movie industry na nangangailangan din ng ayuda at financial support sa panahon ng krisis tulad ng pandemic na COVID-19.

 

Tumigil ang halos lahat ng trabaho ng telebisyon at pelikula. Walang shooting, walang teyping, walang presscon, no work, no pay din ang sistema dahil maraming mga reporters ang hindi naman empleyado ng publication na may regular na suweldo.

 

Wala bang maitutulong sa mga freelance entertainment press ang FDCP? Just asking.

 

♥♥♥
 

Derek, umaming may ibang kayakap sa gabi, ‘di si Andrea

May dapat bang ipangamba ang aktres na si Andrea Torres ngayong umamin ang BF niyang si Derek Ramsay na may iba siyang kayakap kapag natutulog sa gabi?

 

Mismong ang aktor ang umamin na iba ang kanyang kayakap sa gabi. Pero hindi naman ito makakaagaw at karibal ni Andrea dahil isa lang itong unan… as in pillow na tinatawag na Athlete's Pole na nabili ni Derek noong nagbakasyon sila ni Andrea sa Japan.

 

Sobrang komportable raw itong gamitin sa pagtulog dahil maginhawa sa katawan at halos nakaka-relax.

 

♥♥♥

 

Wendell, cool lang sa COVID-19
 

Cool as cucumber ang aktor na si Wendell Ramos kahit na ang halos buong Metro Manila ay nagpa-panic na sa nakamamatay na COVID-19.

 

Dasal na lang ang pantapat sa pandemic na ito at nag-iingat na rin upang maging ligtas sila ng kanyang pamilya.

 

Sumusunod sila sa community quarantine at nananatili lang lagi sa bahay. May sapat din silang alcohol, face masks na pamproteksiyon at may naka-stock din silang pagkain upang hindi na madalas lumabas ng bahay.

 

Nami-miss na ni Wendell ang pagteteyping ng Prima Donnas kasama sina Aiko Melendez at ang tatlong Donnas na sina Jillian Ward, Sofia Pablo at Althea Ablan kasama si Elijah.

 

Top-rated ang Prima Donnas sa Afternoon Prime at isa sa mga sinusubaybayan ang love triangle nina Jaime (Wendell), Kendra (Aiko Melendez) at Lilian (Katrina Halili).

 

♥♥♥

 

Mike at Mel, out sa 24-Oras

 

Maraming viewers ng 24-Oras ang nagtatanong kung naka-leave sina Mike Enriquez at Mel Tiangco sa nasabing news program ng GMA Network.

 

Maging ang weatherman na si Mang Tani ay hindi na rin umaapir sa GMA-7 news program.

 

Pinagbakasyon kaya sila ng Kapuso Network para makaiwas sa COVID-19?

 

Pumalit kina Mike at Mel sina Jessica Soho at Atom Araullo kasama si Vicky Morales.

 

Maging si Jessica, bawas-trabaho na rin at limited na lang ang exposure sa 24-Oras at sa Kapuso Mo, Jessica Soho na lang muna siya napapanood.

 

♥♥♥


Relief goods na ipinamigay sa Pandi, Bulacan, inireklamo ng mga residente

 

May gusto bang sumabotahe kay Pandi Mayor Enrico Roque? Tila may gusto kasing sirain ang kanyang ginagawang paghahatid ng mga relief goods sa mga mahihirap niyang constituents.

 

Heto nga at personal nang inihahatid sa mga bahay-bahay ang kanyang ayuda at tulong sa mga taong hindi makalabas dahil sa Luzon lockdown at iniwan na lang sa harapan ng kanilang bahay upang makasunod sa social distancing ay may nakarating pa ring balita kay Mayor Enrico na ang bigas na nakasama sa ipinamigay niya ay binubukbok na at hindi na puwedeng kainin.

 

Personal na pinuntahan ni Mayor Enrico ang mga nagrereklamo na nakatanggap ng binubukbok na bigas at nangakong magpapaimbestiga.

 

Pero ang mismong mga naka-assign na mag-repack ay nagpatunay na maganda ang kalidad nito nang kanilang isinama sa ipinamigay na mga relief goods.

 

May nabisto rin si Mayor Roque na ilang barangay na nagdi-distribute ng relief goods para sa mga depressed areas ng Pandi, Bulacan ang kulang-kulang ang mga nakalagay na sardinas at noodles. 

Binabawasan kaya ito? Sino ang sumasabotahe sa project na ito ni Mayor Enrico?

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr