Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Babala kaugnay sa mga online offers at donasyon kaugnay sa COVID-19

March 26, 2020

Habang patuloy na kinahaharap at nakikipaglaban ang bawat isa sa COVID-19, nakadidismaya na may mga taong mapagsamantala at hindi natitinag.

 

Kamakailan ay nagbabala ang National Privacy Commission sa publiko kaugnay ng paglobo ng bilang ng mga kaso ng panloloko sa pamamagitan ng internet kasabay ng krisis sa COVID-19.

 

Anila, sinasamantala ng mga online scammers ang kasalukuyang sitwasyon kung saan marami ang gumagamit ng internet dahil sa ipinatutupad na work from home policy gayundin, ang mga umaasa sa online transactions.

 

Marami umano ang nagpapadala ng phishing emails na posibleng dahilan para makatangay ng personal identity at pera ng online users.

 

Gayundin, huwag basta ipagkatiwala ang personal na impormasyon sa mga kahina-hinalang email at messages na nag-o-offer ng gamot o bakuna kontra coronavirus.

 

Maaaring ang mga ito ay paraan lamang para makuha ang impormasyon ng credit card o online banking details ng internet user

 

Hangga’t maaari ay maging mapanuri sa mga online charity na nagsasabing ang donasyon ay mapupunta sa mga organisasyong kumikilos para labanan ang deadly virus at matulungan ang mga biktima nito.

 

Napakahirap ng sitwasyon natin ngayon kaya sana naman ay magtulungan na lang tayo kaysa manlamang sa kapwa. Sa mga gumagawa nito, makonsensiya naman kayo.

 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr