top of page
Search
  • Rafaella Garcia

P1-M nililikom ni Pingris sa DOTA games, bilang tulong sa COVID-19 frontliners


Ang matulungan ang frontliners na nakikipagbuno sa coronavirus ang target na bigyang ayuda ng tinatawag na mga "DOTA Boys".

Si PBA player Marc Pingris ng Magnolia Hotshots ang siyang pasimuno ng tinatawag na Lockdown Games kung saan ang plano ay makalikom ng P1-M para sa UP Medical Foundation.

Inimbitahan ni Pingris ang lahat na sumali sa nasabing Lockdown Games, lalo na ang mga gamers kung saan lalaruin ang mga kilalang online games na gaya ng Marvel Super War, Call of Duty Mobile, at DOTA2.

"Meron na tayong magagawa, masusuportahan pa natin ang #stayhome campaign ng DOH at makakatulong pa tayo sa #frontliners," ayon sa isang post ni Pingris sa kanyang Instagram.

Ang mga "DOTA Boys" bukod kay Pingris ay sina JuneMar Fajardo, Japeth Aguilar at Kiefer Ravena na plano din maglaro ng isang showmatch ng DOTA2 at saka nila nilalabas sa live streaming.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page