top of page
Search
  • Gina Pleñago

Sinita sa curfew | Kagawad, tiklo sa droga


Kulong ang isang barangay kagawad nang mahulihan ng droga sa checkpoint matapos sitahin ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) kaugnay sa ipinaiiral na curfew hours, sa Taguig City.

Nakatakdang isailalim sa inquest proceedings sa Taguig City Prosecutor’s Office ang suspek na si Geoffrey Dubria, kagawad ng Bgy. South Signal, matapos makuha sa kanya ang nasa 20 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalagang P136,000.

Ayon sa ulat ni Taguig City Police Chief, P/Colonel Celso Rodriguez, pinara ng Taguig Police Sub-Station 2 ang suspek habang nakamotorsiklo bandang alas-10:00 ng gabi sa Magsaysay St., Lower Bicutan at nang siyasatin ay nakita sa kanyang pag-iingat ang ilegal na droga.

Kinuha rin mula sa suspek ang dalawang cellphone at P45,000 cash habang dinala naman sa impounding area ang motorsiklo nito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page