top of page
Search
  • Roma Amor

Bading na nagpapalit ng kasarian para sa BF, gustong makipag-break dahil cold na si guy


Dear Roma,

Tawagin mo na lang akong Mitch at isa akong transgender. Masaya ako na natupad ang dream ko na magpa-change ng sexual preference dahil matagal ko rin itong pinag-ipunan dahil gusto kong mapasaya ang boyfriend ko.

Almost 5 years na kami at sobrang mahal ko siya. Alam ko ring mahal niya ako dahil tanggap niya ang pagkatao ko, gayundin, alam at tanggap ng family niya na bading ako. Marami kaming planong dalawa nu’ng hindi pa ako trans, pero ngayon kasi ay pakiramdam ko nag-iba siya sa akin at parang nagiging cold siya. Dati-rati, halos araw-araw niya akong tinatawagan kahit busy siya sa work at sabay kaming nagdi-dinner.

Ngayon, madalang pa sa patak ng ulan niya akong tawagan o kumustahin, hindi na rin kami nagkikita at kapag tinawagan ko siya, sinasabi niyang busy lang siya sa bagong project na ibinigay sa kanya ng opisina niya.

Hindi ko alam kung dapat ko pa bang ituloy ang relasyon namin, kasi sa akin hindi ko kayang mawala siya sa buhay ko. —Mitch

Mitch,

Ang pagmamahal ay hindi lang puro saya at ligaya, palagi itong may katumbas na sakripisyo. Hanga ako sa’yo dahil sa labis mong pagmamahal ay nagawa mong magpalit ng kasarian para sa kanya, gayundin ang iyong boyfriend dahil natanggap ka niya pati ang pamilya niya kahit pa sabihing hindi tama ang inyong relasyon.

Hindi tama na magdesisyon ka agad, mabuting kausapin mo siya tungkol sa sitwasyon ninyong dalawa. Maaaring may pinagdaraanan siyang matinding problema kaya nawawalan siya ng time at sa tingin mo ay nagiging malamig siya sa iyo.

Sa inyong pag-uusap, tapatin mo siya sa iyong nararamdaman, doon mo rin malalaman kung mahal ka pa rin niya.

Anuman ang kalabasan ng inyong pag-uusapan ay tanggapin mo ito nang maluwag sa iyong kalooban kahit ang resulta nito ay magiging masakit para sa iyo. Good luck!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page