top of page
Search
  • Bulgar Breaking News

US-Canada Border, isinara

Nagkasundo sina U.S. President Donald Trump at Canadian Prime Minister Justin Trudeau na isara ang kanilang mga border.

Layon nitong hindi na kumalat pa ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) na posibleng dala ng mga tinatawag na 'non-essential travelers'.

Ayon kay Trump, pansamantala lamang ang pagsasara nila ng Northern Border.

Nilinaw din nito na hindi maaapektuhan ang kalakalan ng dalawang bansa.

Nauna nang nagpatupad ng travel bans ang dalawang bansa habang may mga ibang exemptions.

Matatandaang, hindi sang-ayon noon si Trudeau sa pagsasara dahil halos 200,000 mga taga-Canada ang tumatawid sa US.

Samantala, tinatayang nasa 6,496 katao na ang nadapuan ng COVID-19 sa Amerika mula sa 50 estado nito, kung saan 114 namatay. (BRT)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page