top of page
Search
  • Levi Gonzales

Tserman, niratrat patay


Dead-on-arrival sa ospital ang isang barangay chairman makaraang barilin sa Bgy. Lucong, Mabitac, Laguna.

Batay sa ulat, alas-12:30 ng hatinggabi habang kumakain sa loob ng kanyang bahay ang biktimang si Alfredo Facundo, 50, may asawa, nang pasukin ng hindi nakikilalang suspek.

Agad siyang pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago nagsitakas. Naisugod pa ito sa pagamutan subalit, binawian din ng buhay.

Blangko pa ang pulisya sa motibo ng krimen at nasa likod nito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page