top of page
Search
  • Levi Gonzales

2 tulak, patay sa pulis


Dalawa umanong tulak ng ilegal na droga ang nakaengkuwentro ng mga awtoridad matapos ang buy-bust operation sa Bgy. San Francisco, San Pablo City, Laguna.

Alas-9:35 ng gabi nang ikinasa ng kapulisan ang nasabing operasyon laban sa mga suspek na si Alexander Minalang at isang hindi pa nakikilalang lalaki.

Nagpanggap munang bibili ng shabu ang police asset kung saan nagpositibo ang dalawang tulak ng droga.

Nakatunog umano na mga operatiba ang kanilang katransaksiyon kaya pinaputukan sila na nauwi sa engkuwentro na ikinamatay ng mga suspek.

Nakuha sa kanila ang ilang sachets ng hinihinalang shabu, marked money at baril.

Ang mga suspek ay notoryus umano sa pagiging gun for hire at nagsusuplay ng droga sa Laguna.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page