top of page
Search
  • Thea Janica Teh

P32 milyon, ipinamahagi sa mga naapektuhan ng ASF


Bulgarific

Hello, Bulgarians! Pinangunahan nina Agriculture Secretary William D. Dar at Regional Director Arnel V. de Mesa ang pamimigay ng additional Php32 milyon worth ng farm tools, equipment, inputs, livestock at poultry para sa mga hog raisers na naapektuhan ng African Swine Fever (ASF) sa bayan ng Rodriguez, Rizal.

Ito ay makatutulong para ma-recover ng mga naapektuhan ng ASF ang nawala sa kanila at maipagpatuloy ang kanilang kabuhayan. Ibinahagi ni Secretary Dar na nakatulong ang pakikipag-ugnayan nila sa pagitan ng Provincial Government ng Rizal at Municipal Government ng Rodriguez kasama ang Department of Agriculture (DA) Region IV-CALABARZON sa ilalim ng pamumuno ni Director De Mesa na makontrol at mawala ang ASF sa loob lamang ng 30 araw (August-September 2019).

Umabot sa 7,003 ang naitalang namatay na baboy dahil sa ASF sa pag-observe sa 1-7-10 kilometer zone. Naapektuhan ang halos 711 hog raisers sa anim na barangay sa Rodriguez. Sa unang initial intervention ng DA, namahagi ito ng Php5,000 sa mga apektadong hog raisers na nag-surrender ng mga baboy na nabiktima ng ASF.

Ayon kay Director De Mesa, ang distribution of interventions ay base sa pangangailangan at validation ng mga apektadong raisers at para masiguro na maibigay ang kanilang pangangailangan.

Isa si Mr. Leonilo Esperanza sa mga naapektuhan ng ASF na naninirahan sa Bgy. Macabud. “Noong kinuha ang aming baboy ay binigyan kami ng DA-CALABARZON ng tig-P5,00 kada baboy na siya namang ginamit naming pambili ng mga buto na pantanim at ilang gamit para magkaroon kami ng alternatibong pangkabuhayan. At ngayon po ay nagbigay na naman ang DA-CALABARZON ng karagdagang kagamitan tulad ng grass cutter, pala, asarol at mga buto na puwede naming itanim. Kaya malaki po ang pasasalamat namin sa DA-CALABARZON,” kuwento niya.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page