Ayaw daw masisi na pinabayaan ang anak, never nagkulang… Mommy Divine, aminadong kontrabida sa buhay ni Sarah

March 2, 2020

Julie Bonifacio / Winner!

 

 

Naglalabasan ang previous interviews ng parents ng Pop Royalty na si Sarah Geronimo na may bagong screen name na Sarah Guidicelli, especially ng kanyang ina na si Mommy Divine.

 

Until now kasi ay wala pa ring lumalabas na interview sa panig nina Mommy Divine at Daddy Delfin after ng kontrobersiyal na secret wedding ni Sarah at ng aktor na si Matteo Guidicelli.

 

Sa true lang, hindi naman mahilig umeksena sa showbiz at magpainterbyu ang mga magulang ni Sarah. Unless, they are requested ng mga namamahala ng career ni Sarah lalo na kapag may ipino-promote na movie ang Pop Royalty. 

 

Kaya karamihan sa mga showbiz news sa print and online, naghahalukay ng mga dating interbyu/statement nina Mommy Divine at Daddy Delfin.

 

Sa isang magazine, nasabi ni Mommy Divine kung paano nila inaalagaan at pinoproteksiyunan si Sarah.

 

“Hindi kami nagkulang sa pagsasalita, lalo na ako, nagiging kontrabida ako. Okey lang!

 

Sabi ko, ‘Okey lang ‘yun, kahit kontrabida ako,’” sey ni Mommy Divine.

 

Ang importante raw, hindi siya masisisi ng Diyos na pinabayaan niya ang kanyang anak.

 

“Na, ‘Ikaw kasi, pinabayaan mo.’ At least, wala akong pagsisisihan in the end na nagkulang ako.”

 

Dagdag pa niya, “Obligasyon ng mga magulang ang mga anak, eh. Kung anu’t ano ang mangyayari r’yan, mas una pang mamamatay ang ina kaysa anak.”
Alam na!

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.