top of page
Search
  • MC

MLBB players sa ONE Esports Mobile Legends, pipindot na


Inanunsiyo ngayon ng ONE Esports, ang subsidiary ng One Championship ang inaugural ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Invitational, na idaraos sa Mayo 2 hanggang Hulyo 5.

Ang mga top players at teams mula sa iba’t ibang dako ng mundo ay magsasagupa para sa kabuuang prize pool na US$150,000.

Ang Mobile Legends: Bang Bang (MLBB) ay isang Multiplayer Online Battle Arena (MOBA) game para sa mobile phones at tablets.

Ang laro ay inilunsad noong mid-2016 para sa Android sat iOS at ngayon ay popular nang mobile Multiplayer Online Battle Arena (MOBA) game sa buong mundo (sa labas ng Tsina) na may halos 500 milyon ang installs at 80 milyon ang Monthly Active Users. Ito ang MOBA na inilalaro sa Southeast Asia, Europa, North America, Middle East at India.

Sa kabuuan, ang Mobile Legends: Bang Bang ay nakaabot na sa may 139 na mga bansa at rehiyon at may lokal nang 25 lengguwahe at nag-o-operate sa may halos 1,200 na servers upang matiyak na patuloy ang pagiging popular ng laro.

Ang MLBB ay isa ring unang titulo na inanunsiyo bilang medal game noong 2019 Southeast Asian Games’ inaugural esports event.

Ang ONE Esports Mobile Legends: Bang Bang Invitational ang maghahatid sa pinakamahuhusay na MLBB players at teams.

Ito ang una sa dalawang Mobile Legends:Bang Bang competition series na promosyon ng MLBB developer Moonton.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page