Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Iwas-COVID-19.. Bakasyon sa South Korea, bawal

February 26, 2020

 

Nagpatupad na ng travel ban ang Pilipinas sa ilang lugar sa South Korea dahil sa dumaraming kaso ng Coronavirus Disease 2019.

 

Ito ang inianunsiyo ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo matapos mapagkasunduan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease ang pagpapatupad ng entry ban sa lahat ng mga biyahero na manggagaling sa North Gyeongsang, Province of South Korea.

 

“I’d like to announce that the Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease met today and it has approved to impose a ban on the entry of travelers coming from the North Gyeongsang, Province of South Korea into Philippine territory effective immediately,” ani Panelo sa press briefing sa Palasyo.

 

Kaugnay nito, sinabi ni Panelo na gagawa ng panibagong assessment ang task force sa loob ng 48-oras upang malaman kung kinakailangan din ang travel ban sa iba pang lugar sa South Korea.

 

Sa ngayon, sinabi ni Panelo na istriktong ipatutupad pa rin ang ilang protocols sa mga biyahero na pumapasok sa bansa mula sa South Korea.

 

Nilinaw ni Panelo na papayagan pa rin ang mga Pilipino na makapunta sa mga lugar sa South Korea na may travel ban kung sila ay permanent residents, mga estudyante na nag-aaral doon at OFWs. Pero dapat pumirma sila ng deklarasyon na nagsasabi na alam nila ang mga panganib na kasama sa kanilang biyahe.

 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr