Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Tiniyak ng BIR, SEC, DOLE at DOJ.. ABS-CBN, walang atraso

February 26, 2020

 

Hindi nakagawa ng anumang paglabag ang ABS-CBN Corp. sa apat na ahensiya ng gobyerno kaya dapat umanong ma-renew agad ang prangkisa ng television network sa lalong madaling panahon.


Ito ang lumabas sa pagdinig nitong Lunes sa Senate committee on public services sa pangunguna ni Sen. Grace Poe.


Hindi umano nilabag ng ABS-CBN ang anumang mga batas sa korporasyon at regular na nagbabayad ng mga buwis nito sa mga nakaraang taon, ito ang sinabi ng mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa hearing.


“Regular  silang nagsasampa  at nagbabayad  ng kanilang mga buwis sa nakaraang bilang ng mga taon,” ani Simplicio Cabantac, Jr., pinuno ng isang yunit ng Serbisyo ng Buwis sa Pagbabayad ng BIR.


Ayon sa pangulo ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak, hiwalay na binayaran ng kumpanya ang P8.859 bilyon na mga buwis na ipinigil sa mga empleyado nito mula 2009 hanggang 2018.


Ayon naman sa kinatawan ng Securities and Exchange Commission (SEC), ang network ay sumusunod sa mga regulasyon, taliwas sa mga paratang na isinampa laban sa kumpanya ng media.


Kinumpirma rin ni Justice Secretary Menardo Guevarra, na maaaring pagkalooban ng provisional authority ng National Telecommunications Commission (NTC) ang ABS-CBN upang makapagpatuloy ng operasyon.


Samantala, inihiyag ng mga opisyal mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) na wala ring nilabag na labor laws ang Kapamilya network at nagpapasuweldo ang kumpanya nang tama sa mga kawani nito.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr