Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

‘Pinas, to the rescue sa China.. Langis ng niyog vs. COVID-19

February 26, 2020

 

Pinag-aaralan ng pamahalaan kung epektibo ang virgin coconut oil (VCO) bilang panggamot sa Coronavirus Disease 2019. 


Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, magpapadala ang bansa ng sample sa National University of Singapore para suriin kung epektibo ang nasabing langis laban sa virus. 


Tinatayang nasa mahigit 78,000 na ang naapektuhan ng COVID-19 , pinakamaraming kaso ay sa China kung saan ito nagsimula. 


Ang paggamit sa coconut oil o langis ng niyog bilang isang antiviral agent laban sa COVID-19 ay una nang pinag-aralan nina Dr. Fabian Dayrit ng Ateneo de Manila University at Dr. Mary Newport ng Spring Hill Neonatolody, Inc. 


Nakapaloob ito sa kanilang research na may titulong “The Potential of Coconut Oil and its Derivatives as Effective and Safe Antiviral Agents Against the Novel Coronavirus (nCoV-2019)” na nai-publish nitong Enero 31. 


Batay sa nasabing research, nakasaad ang potensiyal ng coconut oil bilang ‘safe agent’ kontra COVID-19 dahil sa taglay nitong lauric acid na sinasabing may “potent antiviral properties”. 


Kung sakali, ang paggamit ng coconut oil ay ligtas at mura umano. “This treatment is affordable and virtually risk-free, and the potential benefits are enormous,” nakasaad pa sa research.


Samantala, hindi na muna ipinagagamit ang mga aircondition unit sa provincial capitol ng Cebu bilang pag-iingat sa COVID-19.


Ipinatupad ito makaraang malaman umano ng mga taga-kapitolyo mula sa World Health Organization (WHO) na hindi nabubuhay ang virus nang lagpas sa 10 degrees celsius na temperatura.


Napag-alaman na 1938 pa ginawa ang kapitolyo kaya nakadisenyo umano talaga ito na walang aircon. 


Malalaki rin umano ang mga bintana nito at mataas ang kisame kaya maganda ang ventilation.


Gayunman, kung sadyang kakailanganin ng ibang tanggapan na gumamit ng aircon, pinapayagan naman umano basta hindi lalagpas sa apat na oras.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr