Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Todo-harang sa prangkisa ng ABS-CBN.. Poe sa Kamara: Ilabas ang katotohanan

February 25, 2020

 

“Kailangang malaman natin ang katotohanan at kailangan marinig ito ng taumbayan,” ani Sen. Grace Poe sa pagdinig ng Committee on Public Services tungkol sa prangkisa ng iba’t ibang broadcast network, kasama na ang ABS-CBN.

 

“Binibigyang-diin natin na ang pagdinig na ito ay parte ng kapangyarihan ng Senado batay na rin sa nakasaad sa ating Konstitusyon na hindi naman taliwas sa mga naging desisyon ng Korte Suprema patungkol sa hurisdiksyon sa pagdinig ng mga prangkisa at sabayang pagtalakay ng mga issue,” ani Poe.

 

“Bagama’t, mas  madalas nagmumula ang mga franchise bills sa Kongreso or sa House, hindi na rin bago na magkaroon ng sabayang pagdinig para sa mabilisang lehislasyon lalo na ang mga prayoridad ng Presidente tulad ng budget at TRAIN Law,” pagdidiin ni Poe.

 

Tiwala si Poe sa kapangyarihan ng Senado na dinggin ang mga resolusyong inihain tungkol sa ABS-CBN. 

 

“Maraming gustong pumigil sa pagdinig na ito o kinukwestiyon ang pagdinig na ito, pero naninindigan ang Senado sa kapangyarihan nito bilang kapantay na sangay ng gobyerno sa isang Republika at demokrasya. Kailangan nating panatilihin ang balance at separation of powers,” pahayag pa ni Poe.

 

Inisa-isa ng mambabatas ang mga prangkisa na nabigyan ng provisional authority ng NTC noon pagkatapos mapaso ang kanilang mga prangkisa.

 

Giit naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na paiiralin ng NTC ang “equity” tulad ng ginawa nito sa mga nakaraang prangkisa. 

 

Ani Poe, walang probisyon sa batas ng mga prangkisa patungkol sa pagbibigay ng provisional authority ng NTC para sa mga nasa proseso pa ng renewal ng prangkisa kaya dapat pairalin din umano ang “equity” na siyang ikabubuti ng nakararami.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr