Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Kung nabastos si P-Du30.. We are sorry — ABS-CBN

February 25, 2020

 

Humingi ng paumanhin si ABS-CBN president at chief executive officer Carlo Katigbak kay Pangulong Rodrigo Duterte, kaugnay sa campaign advertisement na  hindi nailabas noong 2016 Presidential Elections.

 

Matatandaang, sinabi ni Pangulong Duterte na nagbayad sila ng P7 million para sa TV ad na iyon ngunit, hinold umano hanggang sa natapos ang campaign period.

 

Gayundin ang airing naman ng network sa TV ads na bumabatikos sa kanya na mula sa oposisyon.

 

Sinabi ni Katigbak na inaamin nila ang kanilang pagkukulang at gagawin nila ang nararapat para hindi na ito maulit.

 

“We acknowledge our shortcoming in our failure to release that refund in a timely manner,” ani Katigbak sa public hearing. “We are sorry if we offended the President.

 

That was not the intention of the network. We felt that we were just abiding by regulations that surround the airing of political ads”. Paliwanag ni Katigbak, hindi nila naere ang ibang Duterte ads dahil sa umiiral na policy nila na “first-come, first-served”.

 

Aniya, last day na ng campaign, May 7, puno na ang slots para sa local ads. 

 

Samantala, nilinaw naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na sa Mayo magtatapos ang franchise ng ABS-CBN Corporation. Taliwas ito sa mga unang lumabas na impormasyon na Marso 30, 2020.

 

Inamin  naman ng National Telecommunications Commission na may mga kumpanya pa ring nakakapag-operate kahit natapos na ang prangkisa.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr