top of page
Search
  • Lee Vin Nia

COVID-19, may 602 cases na... presscon, concert, movie showing etc. sa South Korea, kanselado!

Lumalala na rin pala ang COVID-19 (bagong tawag sa novel coronavirus which means corona virus disease 2019) sa South Korea, dahilan para magkansela at mag-postpone na ng mga events, shows or concerts ang mga artists. Nagbigay na rin ng babala ang gobyerno nila na iwasan muna ang pagsasagawa ng mga malalaking events na puwedeng daluhan ng maraming tao.

Ayon sa report ng Soompi, as of Feb. 23 ay mayroon nang 602 confirmed cases of CO­VID-19 sa South Korea.

At bilang pakikiisa sa panawagan ng gobyerno, ina­nunsiyo ng Big Hit Entertainment na management ng BTS na hindi na raw sila mag-iimbita ng press sa conference para sa Map of the Soul:7 album at sa halip ay ibo-broadcast na lang ito live sa YouTube.

Inabisuhan nila ang press na huwag nang pumunta sa event gayundin ang mga fans at sa halip ay manood na lang ng live streaming ngayong araw, Feb. 24 at 2 PM, KST.

“The safety and the health of our artists and fans will always be our priority,” saad pa sa press statement ng Big Hit Entertainment.

Ang pelikula namang Time to Hunt na pinagbi­bidahan nina Lee Je Hoon, Choi Woo Shik, Ahn Jae Hong and Park Jung Min ay na-postpone rin ang showing since takot ang mga tao na lumabas para manood.

Dapat ay sa Feb. 26 ang showing nito at wala pang announcement ng bagong playdate.

Nakansela rin ang presscon para sa pelikulang Innocence starring Shin Hye Sun, Bae Jong Ok and Heo Joon Ho. Naka-schedule ito originally today, Feb. 24 at may interview for SHY and BJO sa Feb. 26.

“Once we reach a decision, we will announce potential changes to the film’s release date and future press conference and interview dates,” pahayag ng producer.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page