Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

ABS-CBN nag-rally na.. P-Du30 dedma

February 24, 2020

 

Walang reaksiyon si Pangulong Rodrigo Duterte sa kabila ng serye ng protesta ng mga empleyado, artista at supporters ng ABS-CBN.


Tuwing Biyernes ay nagtitipon ang mga ito para ipanawagan ang renewal ng prangkisa ng kumpanya.


Umaapela sila ng suporta mula sa lahat ng mga Filipino at iginiit na hindi dapat pinipigilan ang malayang pamamahayag ng mga tao.


Samantala, hindi interesado si Pangulong Duterte na panoorin o subaybayan ang gagawing pagdinig ng Senado ngayong araw, Lunes, February 24, kaugnay sa prangkisa ng ABS-CBN.


Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, busy at tambak ang trabaho ng Pangulo kaya wala itong oras na manood ng telebisyon.


Wala rin umanong pakialam ang Punong Ehekutibo dahil trabaho na ng solicitor general na gawin ang kanyang tungkulin.


“Wala. Hindi ba sinabi na namin ang posisyon namin d’yan. Trabaho ng SolGen iyan. Hayaan mo siya. Gawin niya ang trabaho niya. Kung ano ang sabihin ng Korte Supreme, eh, di susunod tayo,” diin ni Panelo.


Una nang naghain ng quo warranto si Solicitor General Jose Calida sa Korte Suprema para ipawalambisa ang prangkisa ng ABS-CBN.


Ikinatuwiran pa ni Panelo na hindi nakikialam at hindi panghihimasukan ng Pangulo ang bawat galaw ng Kamara, Senado at iba pang mga representante.


“Sino ba nagsabing i-cancel? Eh, desisyon nila ‘yan. Alam mo naman ang Palasyo, hindi nakikialam sa bawat galaw ng Kongreso, Senado, at ibang mga representante. Wala kami doon. It’s their turf. We will not intrude into them,” dagdag pa ng Kalihim.


Matatandaang, makailang beses nang naghayag  ng galit si Pangulong Duterte sa ABS-CBN dahil sa hindi pag-ere sa kanyang campaign material noong 2016 presidential election kahit bayad na ng P2 milyon ang naturang airtime.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr