top of page
Search
  • A. Servinio

Titlist at beterano na sa Padyakan, tatahak sa Bicol


Sorsogon City – Mahirap pumili ng mananalo sa pagsisimula ngayong Linggo ng ika-10 edisyon ng LBC Ronda Pilipinas sa Sorsogon Baywalk. Unang masusubok ang 88 magiting na siklistang Pinoy sa 129.5 kilometrong karera na iikot sa pinaka-Timog na lalawigan ng Luzon. Tampok ngayong taon ang lima sa pitong mga naging kampeon ng taunang karera buhat noong 2011. Ang wala lang ay si Irish Valenzuela (2013) na nakatira na sa Inglatera at defending champion Francisco Mancebo ng España, ang una at nag-iisang dayuhan na nagwagi sa Ronda Pilipinas.

Kahit magkakampi sa Philippine Navy-Standard Insurance, aabangan ang tagisan nina Jan Paul Morales at Ronald Oranza, ang dalawang huling kampeon bago kay Mancebo. May dalawang titulo si Morales noong 2016 at 2017 habang wagi si Oranza noong 2018.

Hindi rin puwedeng balewalain at hindi bigyan ng pansin ang mga beterano sa pangunguna ni Santi Barnachea, ang pinakaunang kampeon ng Ronda Pilipinas noong 2011 at umulit noong 2015 at ngayon ay papadyak para sa bagong tatag na koponan ng Scratch It. Nariyan din ang iba pang dating kampeon na sina Mark Lexter Galedo ng 7-Eleven CLIQQ Air21 (2012) at Reimon Lapaza ng Celeste Cycles PH-Devel Project (2014) na tiyak na gagawa rin ng ingay. Ang 88 siklista ay bahagi ng 11 koponan at inaasahan na magiging matindi ang karera para sa team championship.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page