top of page
Search
  • Eddie M. Paez, Jr.

Pinoy parbusters, may tsansa sa last round


Labingwalong butas na lang ang layo ng mga Pinoy parbusters na sina Antonio Lascuna, Justin Quilban at Ira Alido sa Asian Golf Tour matapos nilang malusutan ang salaang naganap sa penultimate round ng Asian Tour Qualifying School Final Stage sa palaruan ng Lake View Resort and Golf Club ng Thailand.

Ang batikang si Lascuna, 49-anyos at hari ng 2019 Nan Pao Professional Golfers Association of Taiwan at ng ICTSI South Pacific Classic, ay kumamada ng linyang 72-69-68-70 pagkatapos ng apat na araw para sa kabuuang kartadang 5-under-par 279 strokes na naging sapat na para sa pang-40 na puwesto.

Nagsuko sina Quilban at Alido ng kani-kanyang 67 sa round 4 para maisalba ang kanilang upuan sa top 70 at mapayagang makapaglaro sa huling araw ng bakbakan.

Ang rekord ni Quilban ay 280 na palo sa loob ng apat na rounds (74-69-70-67).

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page