top of page
Search
  • A. Servinio

Gonzales, Huey atbp, haharap sa bagong format ng Davis Cup


Photo: foxsportsasia

Makatutulong ba sa Pilipinas ang bagong format ng torneo sa 2020 Davis Cup? Malalaman iyan ngayong Marso 6 at 7 sa pagsisimula ng World Group II playoffs sa Philippine Columbian Association (PCA) Tennis Courts sa Paco, Maynila kung saan haharapin ng mga Pinoy ang mga bisita mula sa Gresya tampok si Stefanos Tsitsipas, ang kasalukuyang pang-anim sa mundo ayon sa Association of Tennis Professionals (ATP) Ranking.

Inaasahan na itatalaga sina Jeson Patrombon, Francis Casey Alcantara at AJ Lim sa Singles at ang tambalan nina Treat Huey at Ruben Gonzales sa Doubles kontra sa mga Griyego.

“Excited kami sa bagong format kasi hindi lang mga kapwa Asyano kundi pati na rin ang mga malalakas sa buong mundo,” wika ni Chris Cuarto, ang non-playing captain ng Pilipinas.

Ayon sa bagong patakaran, kasama ang Pilipinas sa 24 na bansa sa World Group II playoffs.

Ang 12 na magwawagi ay tutuloy sa main tournament ng World Group II ngayong Hulyo o Setyembre habang ang mga mabibigo ay bababa sa Group III ng kanilang rehiyon.

Malayo ito sa nakasanayang paraan na dapat talunin muna ng Pilipinas ang mga bansa sa Asya at Oceania bago bigyan ng pagkakataon na maglaro para samahan ang mga bigatin sa World Group.

Ngayon, hindi na tinitingnan kung saang rehiyon galing ang mga koponan at halo-halo na ang labanan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page