Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

1 week ultimatum.. Jueteng, stop! — PNP

February 23, 2020

 

Binigyan ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Archie Francisco Gamboa ng isang linggo ang mga opisyal nito sa mga rehiyon sa bansa para sawatahin ang operasyon ng mga ilegal na sugal tulad ng jueteng sa kanilang nasasakupan. 

 

Babala ni Gen. Gamboa, masisibak sa puwesto ang mga opisyal na hindi makasusunod sa direktiba.

 

Noong Miyerkules, inihayag ni Gen. Gamboa na nagpadala na ang PNP ng listahan ng mga illegal gambling operator sa kani-kanilang area of responsibility.

 

Kinakailangan lamang aniya na aksiyunan na ng mga regional police officer ang pagpapasara sa illegal gambling operations kung ayaw mapanagot ng PNP.

 

Kasabay nito, ipinaalala rin ng heneral sa mga pulis na ipinagbabawal ang pagtanggap ng suhol mula sa illegal gambling operators.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr