top of page
Search
  • Persida Acosta

Pagbabawal ng amo na magtayo ng unyon sa kumpanya, labag sa batas

Dear Chief Acosta, Maaari bang ikonsidera bilang unfair labor practice ang pagbabawal ng employer namin na magtayo ng unyon at kung sakaling ito ay tama, hanggang kailan kaya namin ito maaaring isampa sa NLRC? - Josue

Dear Josue, Para sa inyong kaalaman, ang inyong katanungan ay tinatalakay sa Article 259 ng Presidential Decree (PD) No. 422 o mas kilala bilang “The Labor Code of the Philippines as amended” kung saan nakasaad na: “Article 259. Unfair Labor Practices of Employers. It shall be unlawful for an employer to commit any of the following unfair labor practice: x x x

(2) To require as a condition of employment that a person or an employee shall not join a labor organization or shall withdraw from one to which he belongs; xxx” (Binigyang-diin)

Sang-ayon sa nabanggit na probisyon ng batas, ikinokonsidera bilang unfair labor practice ang pagbabawal ng employer sa kanyang mga empleyado na magtayo ng unyon o maging ang pagpapaalis ng sinumang empleyado sa pagsali rito.

Kaugnay nito, binibigyan lamang ng isang taon ang mga nais magsampa ng kasong unfair labor practice, mula nang ipinagbawal na magtayo ng unyon. Ayon sa Article 305 ng nasabing batas: “Article 305. Offenses. xxx

All unfair labor practice arising from Book V shall be filed with the appropriate agency within one (1) year from accrual of such unfair labor practice; otherwise, they shall be forever barred.”

Nawa ay nasagot namin ang inyong mga katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormasyong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa isang abogado.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page