top of page
Search
  • Janice Baricuatro

Magkapatid na edad 71 at 82, patay sa trak


Kapwa patay sa aksidente ang dalawang lola na may mga edad na 71 at 82, matapos araruhin ng dalawang sasakyan ang sinasakyan ng mga itong tricycle kung saan kritikal din ang drayber nito habang bumabagtas sa kahabaan ng Bgy. Daang Amaya 1, Tanza, Cavite, kamakalawa.

Kinilala ang dalawang nasawi na sina Erlinda Martinez y Arca, 71, at Luzviminda Villamar y Arca, 82, magkapatid, kapwa residente ng Bgy. Poblacion I.

Kritikal ang tricycle driver na si Ricardo Centeno Binauhan, 54.

Tumakas naman ang driver ng hindi nabatid na sasakyan na siyang unang sumagi sa tricycle ng mga biktima kaya ito naararo ng trak na nakarehistro sa Orixmetro Leasing and Finance Corp na minamaneho ni Noel delos Reyes, 50, ng Bgy. Poblacion III.

Sa imbestigasyon ni PMSg. Richard Tumanguil, alas-8:55 ng umaga nang maganap ang insidente. Sakay ang magkapatid na lola sa tricycle at bumabagtas sa nasabing lugar nang masagi ito ng isang hindi nabatid na sasakyan dahilan upang umikot ito at napunta sa kabilang kalsada kung saan paparating naman ang nasabing trak.

Hindi na ito naiwasan ng trak kaya naararo ito na ikinamatay ng magkapatid at ikinalubha ng driver nito. Hawak na ng pulisya ang driver ng trak habang pinaghahanap ang tumakas na isa pang sasakyan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page