Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Empleyado, artista at supporters joint forces.. ‘Rally Serye’ para sa prangkisa — ABS-CBN

February 21, 2020

 

Sa ikapitong pagkakataon, muling nagtipun-tipon ang mga empleyado, artista at iba pang sumusuporta sa ABS-CBN para manawagan sa renewal ng prangkisa ng nasabing istasyon.

 

Matatandaang, noong Valentine’s Day nang magtipon din ang mga ito laban sa quo warranto petition na inihain ng Solicitor General laban sa kumpanya. Ginanap ang protest rally sa harap ng Kapamilya Network building sa Sgt. Esguerra Avenue, Quezon City.

 

Samantala, hindi  lang mga senador kundi maging ang mga eksperto sa batas at Konstitusyon ang sumagot sa mga banat ni House Speaker Alan Peter Cayetano at iba pang mambabatas na ‘unconstitutional’ ang gagawing Senate hearing tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

 

Ayon sa ilang senador at abogado kabilang  si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

 

“When you talk about inter-parliamentary  courtesy, that means that it’s not a strict rule ‘di ba? It just talks about the relationship of the House and the Senate,” ani Sereno.

 

Ayon naman kay dating UP College of Law Dean Pacifico Agabin, walang sinasabi sa Konstitusyon na bawal mauna ang Senado sa pagdinig sa mga local bill tulad ng ABS-CBN franchise. Iginiit din ng maraming senador na walang nagbabawal sa Senado na dinggin ang mga usaping mahalaga sa interes ng publiko.

 

Ayon sa agenda ng Kamara sa Lunes, maghi-hearing ang House Committee on Legislative Franchises kasabay ng pagdinig ng Senado sa ABS-CBN franchise.  Tatlong prangkisa ang tatalakayin ng komite pero hindi kasama ang sa ABS-CBN.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr