top of page
Search
  • Twincle Esquierdo

One more chance? Hmmm... Signs at dapat gawin kung gustong makipagbalikan kay ex


Bakit nga ba tayo nakikipagbalikan kay ex? Dahil ba hindi natin kayang mawala o mahal pa rin natin siya? Minsan, ang paghihiwalay ay may malabong dahilan, ngunit, ang iba ay napag-uusapan nang maayos.

Closure naman ang ibinibigay ng dating magkasintahan sa isa’t isa upang magkaroon ng magandang pagtatapos sa kanilang relasyon. Mahirap man para sa isa, ngunit, dapat gawin at tanggapin kung kinakailangan. Pero, paano kung mahal mo pa ang ex mo at gusto mo siyang balikan o mahal ka pa niya at gusto ka niyang balikan? Narito ang mga dapat gawin at senyales na gusto niyang makipagbalikan:

1. MAGING MAPAGKUMBABA. Kung nais mong makipagbalikan sa kanya, maging mapagkumbaba ka at palagi mo siyang kumustahin. Aminin mo ang iyong mga nagawang mali at humingi ng tawad, ngunit, ‘wag magmamakaawang bumalik siya sa iyo dahil magmumukhang desperada o desperado ka.

2. IPAALALA ANG MASASAYANG PAGSASAMA. Paunti-unti mong ikuwento ang inyong masasayang nakaraan, pinagsamahan at kung anu-ano pa. Dahil dito, malalaman at mararamdaman niya na nais mong makipagbalikan. Gayundin, mari-realize niya kung gaano kayo naging masaya at paano n’yo nalagpasan ang mga pagsubok nu’ng hindi pa kayo naghihiwalay.

3. MAG-EFFORT NANG MATINDI. Para manumbalik ang pagmamahalan at tiwala sa isa’t isa, ligawan mo ulit siya at hintayin ang matamis niyang oo. Dahil dito mapatutunayan na sincere ka na maging kayo muli at ipakita sa kanya na ikaw talaga ang karapat-dapat sa puso niya. Kung ang babae naman ang nais makipag-reconcile, gawin lang din ang mga nabanggit, lalo na kung ikaw ang may kasalanan sa break-up ninyo.

4. PALAGING MAGBIGAY NG ORAS. Kapag nagbibigay ng oras sa iyo at laging inaalam ang kalagayan mo, ito ay dahil gusto niya na updated sa mga nangyayari sa iyo. Sa mga ganitong sitwasyon, pinakikiramdaman n’yo ang isa’t isa kung nais ninyong mag-reconcile. Gayunman, sakaling nasa ganitong punto na kayo, dapat mong alamin kung may iba na ba siya. Pero kung wala pa, may chance pang magkabalikan kayo. Ngunit, kung ginagawa niya ito dahil kaibigan na lang ang turing sa‘yo, sadyang kailangan mo nang tanggapin na tapos na ang lahat sa inyo. Ouch!

5. PAG-USAPAN ANG NAGING ALITAN. Anuman ang mga naging dahilan ng break up n’yo, pag-usapan ito nang maayos at kung anong mga pagbabago ang dapat ninyong gawin upang hindi na maulit ang mga pagkakamaling ‘yun.

6. HINDI NA TULAD NG DATI. Kung nakikita mo ang mga pagbabago sa kanya at sa tingin mo ay hindi na niya ginagawa ang mga bagay na kinaiinisan mo noon sa kanya na naging dahilan pa ng pagkakaroon mo ng sama ng loob at nabawasan ang pagmamahal mo sa kanya kaya kayo naghiwalay, maybe it’s a sign to reconcile.

Ayan ang mga senyales na gustong makipagbalikan ni ex sa iyo, gayundin, ang mga paraan na dapat gawin para magkaayos kayo at muling mamutawi ang pagmamahalan sa isa’t isa. Umpisahan na ito at tiyak na makatutulong sa inyo. Okie?

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page