Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Hirit sa Kongreso.. 3rd Telco, talupan

February 21, 2020

 

Nangangamba si Department of Information and Communications Technology (DICT) Sec. Gregorio Honasan sa kakayahan ng third telco na Dito Telecommunity Corp. na makumpleto ang rollout program nito bago sumapit ang Hulyo 2020. 


Inaasahang  maaantala ang commercial operations ng Dito, dating Mislatel Consortium, dahil sa kumplikadong proseso sa pagkuha ng permit para sa pagtatayo ng mga cell tower. Ayon kay Honasan, nag-aalala ang DICT sa kakayahan ng Dito na matupad ang pangako nito dahil limang buwan na lamang ay Hulyo na. 


Ilang mambabatas ang nagpahayag na rin ng pagdududa sa kapasidad ng kumpanya na tuparin ang pangako nitong pagkakaroon ng 2,500 cell sites pagsapit ng Hulyo 2020. 


Hiniling ni ACT Teachers Partylist Rep. France Castro, miyembro ng Makabayan bloc sa Kongreso na ipatawag ang mga opisyal ng DICT at Dito para imbestigahan ang bagay na ito. 


Gayunman, agad pinawi ng third telco player ang pangamba na maaantala ang kanilang network rollout at tiniyak sa publiko na may kakayahan silang tuparin ang kanilang mga pangako bilang bagong major telecommunications player.


“There is no truth to reports that the much anticipated roll-out of Dito Telecommunity will be delayed due to issues regarding permits,” pahayag ng Chelsea Logistics and Infrastructure Holdings Corp., isa sa mga kumpanya na bahagi ng Dito. 


Tinanggap ng Dito, isang consortium na binubuo ng state-owned China Telecom at ng Udenna Corp. at Chelsea ni Dennis Uy, ang certificate of public convenience and necessity nito mula sa National Telecommunications Commission (NTC) noong Hulyo 2019 para mag-operate bilang third major telco ng bansa. 


Ang 2,500 cell sites ay magbibigay-serbisyo sa 37 percent ng populasyon ng bansa at magkakaloob ng internet speed na hindi bababa sa 27 mbps per second. 


Matagal nang problema ng industry providers ang hirap sa pagtatayo ng telco infrastructure dahil sa pagkuha ng multiple LGU permits para sa isang cell site lamang na umaabot ng walong buwan ang proseso. 


Ang kumplikadong permit applications na ito ay maaaring maging  sanhi ng lalo pang pagkaantala ng konstruksiyon ng 2,500 cell sites ng Dito.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr