top of page
Search
  • Thea Janica Teh

Biglang nawalan ng trabaho, may matatanggap na tulong-pinansiyal sa SSS

Bulgarific

Hello, Bulgarians! Ibinahagi ng Social Security System (SSS) na noong taong 2019, mahigit Php178 milyon worth of benefit ang kanilang inilabas sa ilalim ng unemployment benefit o involuntary separation insurance program. Ito rin ang key features ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018 na naging epektibo noong March 5, 2019.

SSS

Ayon kay SSS President and Chief Executive Officer Aurora Ignacio, ang pension fund na ito ay natanggap ng halos 15,151 unemployment benefit applications noong 2019 kung saan 14,895 dito ang naaprubahan at nabigyan ng total na Php178 milyon.

Isa ang unemployment benefit program sa bagong benepisyong puwedeng makuha ng mga miyembro ng SSS. Sa programang ito, maaaring makakuha ang mga miyembrong involuntary separated sa trabaho ng cash allowance na nagkakahalaga ng times two sa kanilang average monthly salary credit.

Mula nang ma-implement ito noong August, 2019, marami ang nagpasa ng kanilang aplikasyon. Sa pagtuntong ng October, 4,596 miyembro ang naaprubahan at halos Php54.61 milyon ang inilaan para sa mga ito.

“Inaasahan naming sa bagong benepisyong ito, maraming matulungang SSS members sa biglaang pagkawala ng trabaho. Ang programang ito ay hango sa unemployment benefit program ng European countries. Ang adhikain namin sa programang ito ay matulungan ang mga miyembro habang naghahanap sila ng trabaho,” dagdag pa ni Ignacio.

Para maging qualified sa benepisyong ito, kinakailangang ang miyembro ay hindi tataas sa edad na 60. Kinakailangan ding nakapag-contribute na ito ng 36 buwan. Magiging kuwalipikado lamang ang mga miyembro kung ang dahilan ng pagkatanggal sa trabaho ay dahil sa installation of labor-saving devices; redundancy; retrenchment; closure or cessation of operation at disease or illness of employee na tuloy pa rin sa pagtatrabaho kahit labag na sa batas.

Bukod pa rito, kinakailangan din nilang magpasa ng DOLE-issued certification na nakalagay ang date at nature ng involuntary separation kasama ang Notice of Termination mula sa employer o Affidavit of Termination of Employment. Sa ngayon, make-credit ang benepisyong ito sa savings account ng UMID card member bilang ATM o sa kanilang Union Bank of the Philippines (UBP) Quick Card.

Para sa iba pang impormasyon, bisitahin lamang ang pinakamalapit na SSS branch sa inyong lugar o tumawag sa SSS Call Center hotline sa 1455. Maaari ring mag-send ng email sa member_relations@sss.gov.ph. Maaaring i-download ang application forms sa kanilang website sa www.sss.gov.ph.

♥♥♥

For event invitations, please, email bulgarific@ gmail.com or PM us on our Facebook page.

Got to go! It’s so Bulgarific!

xoxo

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page