Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

556 binabantayan sa COVID-19 — DOH

February 21, 2020

 

Umabot na sa 556 ang bilang ng mga naitalang patient under investigation (PUI) ng Department of Health (DOH) dahil sa posibilidad ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).


Gayunman, batay sa datos ng DOH, 420 na sa mga ito ang nakalabas na ng ospital habang nananatili naman sa 133 na lamang ang naka-admit pa rin.


Hindi na nadagdagan at nananatiling nasa tatlo ang naitalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. Ang dalawa rito ay gumaling na habang ang isa ay namatay dahil sa severe pneumonia.


Sa kabuuan, aabot na umano sa 456 samples ang nasuri ng RITM at nagnegatibo sa virus. Sa ngayon, nasa 50 samples na lang ang naka-pending at hinihintay ang resulta.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr