Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Walang mabilhan, hirit ng mga drivers, operators.. Multa sa face mask, alisin na

February 20, 2020

 

Inihirit ng ilang grupo ng transportasyon na mabawi na ng LTFRB ang ipinapataw nitong multa sa hindi makasusunod na mga tsuper ng public utility vehicles na magsuot ng facemask bilang  pag-iingat kontra Coronavirus Disease 2019.


Sa pagdinig ng House Committee on Transportation, sinabi ni Zenaida Maranan ng FEJODAP na gusto naman nilang sumunod sa  memorandum  circular ng LTFRB dahil mabuti ang layunin nito. Ngunit, wala umano silang makuhang suplay ng face masks para maipamahagi sa mga drayber.
 

Sinabi pa ni Maranan na masyado ring mabigat ang P5,000 multa sa hindi pagsunod na mag-face mask at nababahala silang  magamit ito ng mga traffic enforcers upang basta na lang sila patawan dahil sa paglabag.
 

Nais ni Maranan na maglabas ang LTFRB ng isa pang memorandum na  nag-aalis na ng multa.
 

Sinabi naman ni Marilen Montanez ng DTI na sinusubok pa rin nilang makakuha ng sapat na suplay ng face masks.
 

Humahanap  na rin aniya sila sa iba pang mga  bansa na puwedeng makapagbigay ng suplay.
 

Samantala, naungkat din sa pagdinig  ang  mabigat  nang epekto sa mga airline company ng travel ban dahil sa COVID-19 kaya iminumungkahi ni Atty. Roberto Lim ng Air Carriers Association of the Philippine o ACAP na magpatupad ang gobyerno ng 3-day holiday at suspendihin ang paniningil ng travel tax.
 

Sa ganitong paraan ay mapalalakas ang lokal na turismo.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr