top of page
Search
  • MC

Manila at Makati, mas malakas sa karibal


Hindi natinag ang Manila sa huling pagpaparamdam ng lakas ng Pasig habang nakahabol naman sa iskor ang Makati upang talunin ang Bulacan sa Chooks-to-Go/MPBL Lakan Season quarterfinal round sa San Andres Sports Complex noong Martes ng gabi.

Sa kanilang paghahabol sa 12 puntos na pagkaiwan sa nalalabing 35 segundo, umalagwa ang tikas nina Manila Stars Gabby Espinas at Gian Abricos upang masungkit ang panalo, 91-88 sa best-of-three series.

Sa pagkaiwan ng 6 puntos sa final quarter, nagpasabog ang Makati Super Crunch ng 14 puntos, 7 mula kay Juneric Baloria at nakapagtarak na ng 94-88 na kalamangan.

Umaasa ang Stars at ang Super Crunch na umabanse sa North Division semifinals sa sandaling magwagi sila sa Peb. 22 sa Makati Coliseum.

Nakagawa si Carlo Lastimosa ng 23 points, nasa ranked second matapos ang round-robin eliminations at mas pinapaboran laban sa No. 7 Pasig Sta. Lucia Realtors.

May nabakas si Espinas na 11 puntos at 4 rebounds habang sina Abrigo at Jollo Go ay pumoste ng 9 puntos para sa Manila.

Nakabasket si Jeric Teng ng game-high 30 puntos, 7 rebounds at 5 assists.

May 19 puntos si Josan Nimes at 18 si Leo Najorda para sa Realtors.

Matapos ang bigay lakas ni Baloria, nagpakitang gilas si Joseph Sedurifa at Joshua Torralba at nakagawa ng 11 diretsong puntos para iselyo ang 94-81 na panalo sa nalalabing 32 segundo.

Si Rev Diputado ng Bulacan ang umiskor ng huling 7 puntos nang tuldukan ang laro.

Ayon kay Makati coach Beaujing Acot, naging matiyaga ang bataan niya sa depensa hanggang sa umangat ang enerhiya.

Namuno si Baloria sa opensa ng Makati sa bisa ng 20 puntos, kasunod ng tig-17 nina Sedurifa at Cedric Ablaza at may 15 si Joshua Torralba.

May tig-17 puntos ang Bulacan mula kina Jovit Dela Cruz at Diputado. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page