Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Paawa epek daw sa publiko, humirit sa SC.. SolGen: ABS-CBN, shut up!

February 19, 2020

 

Nais pigilan ng Office of the Solicitor General ang ABS-CBN, ABS-CBN Convergence, maging ang mga personalidad nito na magsalita tungkol sa quo warranto petition na nakabimbin sa Korte Suprema.


Naghain kahapon ng mosyon sa Korte Suprema ang OSG para magpalabas ng gag order na magbabawal sa mga opisyal ng network na maglabas ng pahayag tungkol sa quo warranto petition.


Bilang tugon, binigyan ng korte ang ABS-CBN ng limang araw para sagutin ang panibagong mosyon.


Sa mosyon ng OSG para sa gag order, inireklamo ang umano’y propagandang ginagawa ng ABS-CBN sa mga ulat nito tungkol sa quo warranto petition para makakuha ng simpatiya at maimpluwensiyahan ang publiko at resolusyon ng kaso.


Matatandaang, hiniling noong nakaraang linggo ni Calida sa pamamagitan ng isang quo warranto petition sa Korte Suprema na ipawalambisa ang prangkisa ng ABS-CBN dahil sa ilang nakikitang paglabag sa lisensiya nito. Ito ay kahit nakatakdang mag-expire ang prangkisa ng network sa Marso.


Naniniwala naman ang Malacañang na tama ang paghingi ni Calida ng gag order, lalo at nagiging emotional umano ang isyu. 


Samantala, sa Pandesal Forum kahapon, sinabi naman ni FICTAP National Chair Estrellita Juliano-Tamano, na kasabay ng pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN ay ang hindi na rin magagamit ang ABS-CBN TV Plus. “Ang mangyayari sa TV Plus, kasi ‘yan ABS-CBN channel ‘yan, sinabi ko nga, one channel, one frequency. ‘Yan lang ‘yung nakuha o pinagamit sa kanila ng ating gobyerno. Now, dahil ‘yan ay analog, ibig sbaihin ‘yan ay parang kapatid ‘yan na-digitalized, lumabas na maraming channel. Now, ‘pag nawala nga ang  ABS-CBN, ‘yung franchise nila, ‘yang mahiwagang black box, wala ‘yang connect, wala ‘yang franchise, kaya mawawala rin, dahil ‘yun ay kaakibat ng ABS-CBN channel,” paliwanag ni Tamano. 


Hinamon naman ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang mga kapwa niya mambabatas na aksiyunan ang isyu sa prangkisa ng ABS-CBN.


“Ayaw n’yong aksiyunan dahil takot kayo. Ayaw n’yong sumuway sa sinasabi ng ating Pangulo,” ani Atienza. “Lahat ng pinag-uusapan natin dito, dapat sa Kongreso, eh,” dagdag pa nito.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr