top of page
Search
  • Mylene Alfonso

OFWs, puwede nang bumalik sa HK at Macau


Kinumpirma ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na partially lifted na ang travel ban ng gobyerno sa Hong Kong at Macau dahil sa Coronavirus Disease o COVID-19.

Inianunsiyo ito ni Panelo matapos makausap si Health Secretary Francisco Duque III.

Nagdesisyon umano ang Interagency Task Force na magpatupad na ng partial lifting matapos ang isinagawang pagpupulong kung saan tinalakay ang lifting ng ban.

Kaugnay nito, maaari nang bumiyahe papunta at pabalik ng HK at Macau ang mga overseas Filipino worker (OFW).

Kinakailangan lamang na lumagda ng deklarasyon ang mga OFW na nagsasaad na batid nila ang panganib sa pagbalik sa kanilang trabaho sa HK at Macau.

Habang sa mga Pinoy at pamilya ng mga ito na nasa Macau at HK maging ang mga permanent visa holder, gayundin ang mga miyembro ng diplomatic corps na nais umuwi sa Pilipinas ay papayagan din makabalik sa Pilipinas.

Sinabi pa ng kalihim na nagdesisyon ang pamahalaan sa partial lifting ng ban dahil na rin sa panawagan ng marami nating kababayan lalo na ng mga apektadong OFW. Wala naman aniyang dapat ipag-alala ang mga OFW sa pipirmahang deklarasyon dahil tutulungan pa rin sila ng gobyerno kung sakaling maapektuhan ng COVID-2019.

Nilinaw din ng Malacañang na mananatili ang ban sa mga turistang nais pumunta sa HK at Macau.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page