top of page
Search
  • MC

Davao at Zamboanga, malupit, nakausad na sa MPBL semifinals


Photo: Maharlika Pilipinas Basketball League

Nahirapan muna ang Davao Occidental at Zamboanga bago nakapanalasa sa Chooks-to-Go MPBL Lakan Season South division playoffs noong Lunes ng gabi sa Rizal Memorial Colleges Gym sa Davao City.

Nakalalamang ng 11 puntos sa third quarter, kailangan ng Davao Occidental Tigers na makaiskor pa upang mapigilan ang pahirapang laban sa Bicol Volcanoes,77-71, habang naiwasiwas naman ng Zamboanga Family’s Brand Sardines ang Batangas City Athletics’ pagdating sa huling peryodo, 78-74.

Ang pinapaborang Tigers at lower-rated na Zamboangueños ay nakasampa na sa semifinals.

Nasa Ranked No. 5 matapos ang round-robin elimination round, ginapi ng Zamboanga ang No. 4 Batangas, para sa unang banat ng inter-division quarterfinals.

Sa Opening games ng North division quarterfinals noong Peb. 15 ay nanaig ang No. 1 San Juan Knights kontra sa No. 8 Pasay Voyagers, 75-74, habang ang No. 4 Pampanga Giant Lanterns ay dinale ang No. 5 Bataan Risers, 71-64.

Sa first half pa lamang, lumamang na ang Tigers sa 13 puntos (34-21) sa second quarter at lumayo pa sa 33-44 sa nalalabing 6:44 minuto sa third quarter na ikinatuwa ng kanilang hometown fans.

Ang Cocolife-back Tigers na pinamunuan nina Emman Calo, Mark Yee, Yvan Ludovice, Jayvee Mocon at Billy Robles ay agad nagpasabog ng 15-2 salvo.

Sa kabilang banda, ang LCC Malls-supported Volcanoes, na seeded 8 ay pinangunahan ni Chris Lalata, 58-57.

Nakakuha ang Bicol ng 15 points mula kay Jerome Garcia, 12 mula kay Lalata, 11 kay Alwyn Alday at 10 kay Ronjay Buenafe.

Mahigpit ang naging laban ng Zamboanga-Batangas at si Alvin Pasaol ang bumida sa 17 points, 5 rebounds at 2 blocks.

Nakatuwang niya si Robin Rono sa 13 points plus 8 rebounds, si Aaron Black ay may 11 points plus 4 rebounds, habang si Harold Arboleda ay may 10 points at 7 rebounds.

Ang Batangas ay may 18 points, 6 rebounds at 5 assists mula kay MPBL All-Stars MVP Jeff Viernes, 16 points at 9 rebounds mula kay Jhyamo Eguilos, 11 points plus 5 boards kay Adrian Santos at 10 plus 6 boards mula kay Jason Melano.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page