Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Wa' raw siyang 'K' magsalita… Hirit ni Nora: Desisyon ng gobyerno sa ABS-CBN, irespeto natin!

February 18, 2020

Ador Saluta / Adore Me!

 

 

Masaya si Direk Laurice Guillen na ma­katrabahong muli si Nora Aunor sa Bilangin ang Bituin sa Langit serye ng GMA-7 dahil matagal din silang hindi nagkasama sa isang proyekto.

 

Sa isang panayam kay Direk Lau­rice, aniya, “As I said kanina, I’m very happy to be handling this show. I’m so happy na binigyan ako ng gani­tong cast.

 

“I’m very happy to be working with Miss Nora Aunor after so many years.”

 

Sey pa niya, “More or less, alam ko na ang mga ups and downs ng career niya. And I must say na it gives me great pleasure to be working with a survivor.

 

“And sa bawat trabaho namin, ‘pag nandiyan sa eksena si Guy [palayaw ni Nora], lagi ko ngang sinasabi sa ka­nila, ’Tignan n’yo, kahit na hindi na makahinga minsan sa pinaggaga­gawa niya, hindi nagka-cut. Hindi ni­ya kina-cut ang sarili niya.’”

 

Natutuwa naman si Nora sa mga pa­puring binitawan ni Direk Laurice sa kanya.

 

Sabi ng aktres, “Wala nga akong masabi, eh, nahihiya nga ako. Pero napa­kaganda ng mga sinasabi niya tungkol sa akin.”

 

Samantala, sa preskon ng nasabing af­ternoon serye, hiningi ng press ang re­ak­siyon ni Ate Guy sa isyung franchise renewal ng ABS-CBN.

 

Pahayag ni Nora, “Ay, naku, ako’y walang… nasa gobyerno ‘yan, eh. Sila ang dapat mag… kung ano ‘yung desis­yon nila, siyempre irerespeto natin.

 

“Kung anuman ang magiging de­sis­yon ng bawat isa, bawat panig, at mapag­kakasunduan, dapat irespeto natin.”

 

Naging Kapamilya artist din dati si Nora kung saan nagbida siya sa mga pa­labas na Star Drama Presents (1992) at Bituin (2002).

 

Natuldukan lang ito nang magkaroon ng isyu noon sa pagitan ni Nora at ng ABS-CBN noong 2002. Ito ay dahil sa isyu diumano ni Nora sa kontrata niya na hindi tinutupad ng network.

 

Paliwanag naman ng dating ABS-CBN TV Entertainment head na si Linggit Tan, kailangang tapusin nang maaga ang mga programa ni Nora dahil sa “unprofessional working habits” nito.

 

Ngunit noong 2016 ay nakipagka­sundo si Nora sa mga bosses ng ABS-CBN, at pumayag na lumabas sa isang episode ng drama anthology na Maalaala Mo Kaya.

 

Pagkatapos ng MMK, pumirma na ng kontrata si Nora sa Kapuso Net­work.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr