Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Para VIP sa pagpasok sa ‘Pinas.. ₱10-K suhol kada chinese buking

February 18, 2020

 

Ibinulgar ni Senadora Risa Hontiveros ang “Pastillas” operation sa hanay ng Bureau of Immigration (BI) kung saan naniningil umano ang mga ito ng P10,000 kada Chinese national para sa mabilis na pagpasok ng mga ito sa bansa.
 

Dahil dito, tinawag ng senadora na “traydor sa bayan!” ang mga ito. 
 

Sa pagdinig ng Senado kaugnay ng prostitusyon at trafficking sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO), ipinakita ni Hontiveros ang video ng isang immigration officer na nag-e-escort sa mga Chinese patungo sa tanggapan ng BI para i-validate ang kanilang identity.
 

“Bakit parang may VIP escort itong mga Chinese national papasok ng bansa?” tanong ni Hontiveros, kasabay ng pagpapakita rin ng screenshots ng Viber group na naglalaman ng pangalan, flight details at litrato ng mga Chinese.
 

Ipinakita rin ng senadora ang mga litrato mula  sa isang whistleblower ng cash distribution na tinatawag na “Pastillas” sa loob ng BI.
 

“Tinanong ko bakit pastillas ang tawag. Dati raw kasi, wala pang mga sobre, so nilalagay sa bond paper at nirorolyo na parang pastillas,” ani Hontiveros.
 

“Ngayon, mas professional na: may sobre parang legit na pasuweldo, may bonus ‘pag perfect attendance at may pa-lunch pa mula sa mga Chinese,” ani Hontiveros.
 

“Ayon sa aming informant, mas lumakas ang ganitong modus dahil sa libu-libong mga POGO worker na dumarating sa bansa, araw-araw,” ani Hontiveros.
 

Idinetalye rin ni Hontiveros ang P10,000 service fee kada Chinese national na pumapasok sa bansa kung saan P2,000 lang ang talagang napupunta sa airport Immigration.
 

“Nasaan na ‘yung 8,000 pesos? Ayon sa aming informant, distributed na, bago pa man makarating sa airport: sa Chinese tour operator, sa kakontratang local tour operator at sa sindikatong magdo-downstream sa airport,” ani Hontiveros.
 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr