Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Hamon kay P-Du30.. Malalaking negosyo na binigyan ng guarantee, ilantad

February 18, 2020

 

Hiniling ng Makabayan bloc ang pagbasura sa hirit ni Davao-based businessman Dennis Uy na ipasok sa sovereign guarantee ang bilyun-bilyong pisong uutangin niya para sa kanyang lumalawak pang negosyo. 
 

Ayon kay Bayan Muna Chairman Neri Colmeranes, hindi na nakapagtataka ang ginawang ‘buying spree’ ni Uy sa ilang malalaking kumpanya mula noong 2017 hanggang 2019 dahil inaasahan nito ang suporta ng administrasyong Duterte.
 

Gayunman, ang paggagarantiya pa ng gobyerno sa mga utang nito ay malinaw aniyang  pansariling interes na dapat tutulan ng taumbayan, lalo na ng Kongreso. 
 

Sa isang disclosure ng kumpanya ni Uy na Chelsea Logistics and Infrastructure Corp ay hinihingi nito ang garantiya ng Philippine Guarantee Corp (PhilGuarantee) para sa bagong loans nito sa mga nominated bank at financial institution. 
 

Sa oras na pagbigyan ng gobyerno ang aplikasyon ni Uy, magkakaroon ng mandato ang PhilGuarantee na bayaran ang 90% ng loan amount kung magkaroon ng default o hindi makabayad si Uy. 
 

Kaugnay nito, binantaan ni Colmenares ang PhilGuarantee sa pagbibigay ng sovereign guarantee kay Uy at sa iba pang mga malalaking negosyo at hinamon din ang ahensiya na ilabas ang listahan ng mga negosyong binigyan ng guarantee sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr