Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Criminology student, patay sa hazing

February 18, 2020

 

Nasawi ang 23-anyos na estudyante ng Criminology habang naospital ang isa pa makaraan umanong isalang sa fraternity hazing rites sa bayan ng Bulan, Sorsogon.
 

Tinukoy ni Major Joel Triñanes, Bulan police chief, ang pagkakakilanlan ng namatay na mag-aaral na si Omer Despabiladeras, ng Solis Institute of Technology.
 

Kasama umano ni Despabiladeras ang 17 iba pa na sumalang sa hazing ng Tau Gamma Fraternity sa Bgy. Vicente, alas-10:00 ng umaga ng Linggo.
 

Sinasabing bumagsak si Despabiladeras sa gitna ng hazing at agad  na isinugod sa Pantaleon Gotladera Memorial Hospital ngunit, hindi na rin umabot ng buhay.
 

Patuloy namang ginagamot sa Sorsogon Provincial Hospital ang estudyante ring si Alfredo Gonia. Sinisiyasat ng mga awtoridad ang posibleng mga dapat managot sa insidente.        

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr