Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

498 binabantayan sa COVID-19 — DOH

February 17, 2020

 

Nadagdagan pa ang bilang ng persons under investigation (PUI) sa bansa.
Sa huling tala ng Department of Health  (DOH) hanggang February 16, nasa 498 PUIs ang posibleng apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa bansa.

 

Sa nasabing bilang, 159 PUIs ang nananatili pa rin sa ospital habang 336 ang nakalabas na.

 

Pinakamarami pa ring naitala sa National Capital Region (NCR) na may 93 admitted PUIs at 72 ang na-discharged. Sinundan ito ng Central Luzon na may 9 admitted PUIs at 48 naman ang discharged.

 

Samantala,  pumalo na sa 1,662 ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19.
Nabatid na sa Hubei Province lamang, 139 na bagong kaso ng mga nasawi ang naitala kahapon.

 

Sa ngayon, aabot na sa 68,000 ang infected ng coronavirus sa China.
Isa sa mga hakbang na ginagawa ng China ay ang pag-disinfect sa kanilang pera.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr