top of page
Search
  • Gina Pleñago

Spa na nag-aalok ng sex, buking


Photo: Manila City Police

Walang nagawa ang isang maintainer at 11 massage therapists ng spa na nag-aalok umano ng extra service o pagtatalik sa kanilang customers nang arestuhin sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang suspek na si Jennifer De Leon, 30, ng Tangos, Navotas City.

Kasamang hinuli ang mga massage therapists na sina Angel Baloloy, nasa hustong gulang; Riza Carajay, 22; Caren Yamo, 29; Judith Ramirez, 34; Rosalie Camitan, 36; Crystalyn Badiola, 25; Mica Guttierez, 23; Nean Patricio, 22; Peewhy Vargas, 27; Myla Llovit, 32, at Jean Gualtier Nodado, nasa hustong gulang.

Batay sa ulat, nagkasa ng police operation ang mga elemento ng Station Investigation and Detective Management Section sa pangunguna nina Maj. Gideon Ines, Jr. at Lt. Mylene Juan laban sa Pentagon Spa na matatagpuan sa Bgy. Bangkal, alas-11:15 ng gabi.

Isang police asset ang nagkunwaring customer at nagbayad umano ng P2,500 kapalit ng pagtatalik sa loob ng room 4 ng nasabing spa na sanhi ng pagkakaaresto ng mga suspek.

Narekober ng awtoridad ang gamit na condom sa loob ng nabanggit na kuwarto.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page