Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Lalaki tumalon mula 3rd flr. ng LRT, patay

February 16, 2020

 

Patay ang 46-anyos na lalaki makaraang tumalon o mahulog umano mula sa platform ng Light Rail Transit-1 (LRT-1) Balintawak Station sa Quezon City, kahapon ng hapon.

 

Sa ipinalabas na pahayag ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), ang nangangasiwa sa operasyon ng LRT-1 line, mula sa platform ng istasyon ng tren ay tumalon ang hindi pa pinangalanang lalaki at bumagsak sa EDSA.

 

Naganap ang insidente alas-12:00 ng tanghali at agad nakordon ang lugar para sa imbestigasyon.

 

Ayon sa paunang impormasyon mula sa Quezon City Police District, isinugod sa Quezon City General Hospital ang sugatang pasahero ngunit, nasawi rin dahil sa tinamong matinding sugat sa katawan.

 

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad kung may foul play, aksidente o sinadya ang insidente at inaalam kung totoong may bitbit na kalahating milyong pisong cash ang lalaki.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr