Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Kasabay ng COVID-19.. Kaso ng polio, nadagdagan

February 16, 2020

 

Sa gitna ng banta ng Corona Virus Disease 2019 (COVID-19), patuloy namang nadaragdagan ang bilang ng mga naitatalang kaso ng polio sa bansa.

 

Sa pinakahuling datos ng Department of Health, may panibagong kaso ng polio silang naitala sa Nueva Ecija.

 

Ito ay ang isang 1 taong gulang na batang lalaki mula sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

 

Ang pasyente ay nakaranas ng lagnat at panghihina ng kaliwang binti.

 

Dahil dito, umakyat na ngayon sa 17 ang kabuuang bilang ng kaso ng polio sa bansa. Kaugnay nito, inanunsiyo ng DOH na ang nakuhang environmental sample mula sa Butuanon River, Cebu ay nagpositibo sa poliovirus

 

Mahigpit na itong mino-monitor ng DOH at World Health Organization para sa pagsasagawa ng vaccination program.

 

Tumutulong na rin ang DOH sa pagpapalakas ng Acute Flaccid Paralysis surveillance capacities ng mga lungsod ng Cabanatuan at Mandaue.

 

Nakatakda namang magsagawa ng Sabayang Patak Kontra Polio campaign ang DOH sa National Capital Region at lahat ng rehiyon ng Mindanao.

 

Sa Mindanao ay sisimulan ito sa Lunes, Pebrero 17 hanggang Marso 1 at Pebrero 24 hanggang Marso 8 naman sa Metro Manila.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr