Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Dahil sa COVID-19.. Misa sa simbahan, bawal

February 16, 2020

 

Sinuspinde na ng Simbahang Katolika ang mga misa sa Singapore simula ngayong weekend kasunod na rin ng banta ng Corona Virus Disease 19 (COVID-19).

 

“…Both weekday and weekend public masses from noon on Saturday will be suspended indefinitely until there is greater clarity on the way forward,” bahagi ng liham ni Singapore Archbishop Reverend William Goh. 
Sinuspinde rin ng Simbahan ang malalaking public events tulad ng mga formation sessions, retreats at seminars. 

 

Batay sa datos, tinatayang nasa 220,000 ang mga Katoliko sa Singapore. 
“As Catholics, we need to be responsible in playing our part to contain the spread of this virus by avoiding large gatherings of people,” dagdag pa ni Archbishop Goh. 

 

Gayunman, hinikayat nito ang mga Katoliko na manood na lang muna sa mga broadcast of mass na nasa YouTube o CatholicSG radio. 
“The cancellation of masses does not mean that Catholics can excuse themselves from fulfilling the obligation of keeping the Day of the Lord, holy,” pahayag pa ng Arsobispo. 

 

Ang mga kasal at funerals naman ay ikinukonsiderang private services at maaaring makipag-ugnayan sa parish priest. 
Una nang inanunsiyo ng Ministry of Health ng Singapore na ang isa sa mga kaso ng COVID-19 ay dumalo umano sa isang misa ng Church of Christ The King. 

 

Maging ang misa sa ilang Simbahan ng Protestante sa Singapore ay pansamantala umanong itinigil. 

 

Ang City Harvest Church, isa sa pinakamalaking relihiyon umano sa Singapore ay gagawin online ang kanilang worship service pansamantala. 

 

Habang ang Grace Assembly of God, kung saan ilang miyembro ang nagpositibo sa COVID-19 ay isinara muna pansamantala ang kanilang sangay. 

 

Ilang religious groups din umano sa nasabing bansa ang pansamantalang nag-live streaming muna.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr