Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Walang face mask, hinuhuli; driver na wala nang lisensiya, nakadroga pa, nakalusot!

February 15, 2020

Ryan B. Sison / Boses

 

Walang seatbelt, hindi sumusunod sa speed limit at palipat-lipat ng linya, ilan lang ito sa mga paulit-ulit na ginagawa ng mga drayber na nagreresulta sa aksidente.

 

Patung-patong na reklamo ang kahaharapin ng jeepney driver na nang-araro sa mga estudyanteng tumatawid sa pedestrian lane sa Makati City.

 

Base sa ulat, isa ang nasawi habang sugatan ang pitong iba pa. Gayundin, nasa  kustodiya na ng pulisya ang suspek na natuklasang walang lisensiya dahil nasangkot sa sakuna noong nakaraang taon at hindi pa nakukuha ang

nakumpiskang lisensiya. 

 

Lumitaw din sa inisyal na pagsusuri na positibo sa droga ang tsuper. Kung walang lisensiya ang drayber, bakit ito pinayagan ng operator na bumiyahe?

 

Sa puntong ito, malinaw nang may kapabayaan.

 

Kung kaya nating bantayan at pagmultahin ang mga PUV driver na walang face mask habang bumibiyahe, bakit hindi natin kayang tutukan ‘yung mga pasaway talaga? ‘Yan tayo, eh, ang hilig nating manita, pero ‘yung mga dati nang problema ay nariyan pa rin at nakatengga.

 

Hahayaan pa ba nating dumami ang mga ganitong insidente? Buhay ang nawala at kahit sabihin nating aksidente at walang may gusto ng nangyari, maiiwasan pa rin ito kung walang kapabayaan. Hindi na natin maibabalik ang buhay na nawala, pero may puwede tayong gawin para hindi na ito maulit. 

 

Para sa mga operator, sa halip na mangunsinte, sumunod kayo sa batas na kapag walang lisensiya, bawal bumiyahe.

 

Kayo namang mga tsuper, maging maingat kayo sa pagmamaneho  at tandaan  ninyong hindi n’yo pag-aari ang kalsadang dinaraanan n’yo kaya iwasan ang pagharurot.

 

Noon pa man, problema na ang mga pasaway na mga tsuper, kaya panawagan sa mga kinauukulan, baka naman puwedeng ito muna ang tutukan para makatiyak na ligtas ang lahat ng bumibiyahe.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr