Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Tumaya sa Lotto, sign na dapat makipagsapalaran sa buhay para sa magandang future

February 15, 2020

Bigyang-daan natin ang isa pang panaginip ni Azucena ng Azucena_Andaluz@facebook.com

 

Dear Professor,
          Tumaya ako sa lotto, maraming numero ‘yung tinayaan ko, pero ‘yung babae na tinayaan ko ay pumasok sa kuwarto at paglabas niya ay may dala siyang bag na may Indian mango at ibinigay sa akin.

 

Tapos, may nasalubong akong kabayo, nagtago ako pero dahil nasa mataas na lugar siya ay nakita rin niya ako. Nilapitan ako nu’ng may-ari ng kabayo at sinabi na isasama raw niya ako sa Korea. 
Ano ang ibig sabihin nito?
 

Naghihintay,
Azucena

 

Sa iyo Azucena,
            Alam mo, iha, ang buhay sa mundo ay pakikipagsapalaran tulad mismo ng pagtaya sa lotto kung saan kaya nakikipagsapalaran ang tao ay para gumanda ang kanilang kapalaran. Mayroon ding ayaw na makipagsapalaran pero sila ay wala nang pag-asa pa na mapaganda ang kanilang buhay.

 

Gayundin, ang buhay sa mundo ay isang laro lang tulad ng lotto, pero may mga ayaw makipaglaro sa buhay kaya kahit kailan ay hindi sila magkakaroon ng masayang kapalaran.

 

Sabi ng iyong panaginip, makipagsapalaran ka, pero bawasan mo ang pagiging sobrang seryoso. Sa ganitong paraan, magugulat ka dahil ang pinapangarap mong magandang buhay ay mapasasaiyo.

 

Pagkatapos gumanda ng buhay mo dahil sa masayang pakikipagsapalaran sa mundo, magkakaroon ka pa ng “bonus” at ito ay may makikilala kang tao na magbibigay din sa iyo ng kaginhawahan.

 


Hanggang sa muli,
Professor Seigusmundo del Mundo

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr