Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Sobrang hurt pa rin daw sa pagkamatay ng aktor… Partner ni Manoy Eddie, umaming di pa rin nakakausap ang GMA-7

February 15, 2020

Julie Bonifacio / Winner!

 

 

Till in pain ang long-time partner ni Eddie Garcia na si Lilibeth Romero. Ito ang inamin niya sa aming eksklusibong interbyu sa ginanap na 4th Ambassador’s Night ng Film Development Council of the Philippines last Sunday.

 

“Meron,” panimula ni Ms. Lilibeth. “Hindi naman maaalis ‘yun, ‘di ba? Maski ikaw siguro, in pain, ‘di ba? Kaya lang, you have to psyche your mind to think differently. So, ngayon, nakatawa ako, baka pagsakay ko ng kotse, iiyak na ako.”

 

Kabilang ang yumaong aktor na si Eddie — kilala rin bilang si “Manoy” ng mga taga-industriya — sa mga binigyan ng pagkilala ng FDCP sa pamumuno ni Chair Liza Diño bilang mahusay na aktor.

 

Bukod kay Manoy, ginawaran din ng award sa hanay ng mga artista sina Ai Ai delas Alas (School Service), Maja Salvador (Wildflower), Ina Raymundo (Kuya Wes), Max Eigenmann (Verdict), Ogie Alcasid (Kuya Wes), Barbara Miguel (1-2-3), Crisel Consuji (Still Human), Krystel Campos (Viral Girl), Geraldo ‘Jek’ Jumawan (Nobody Beats The Oldies), Angeli Bayani at ang movie queen na si Gloria Romero.

 

Bukod kay Manoy, kasama rin sa listahan ng mga artistang binigyan ng award ang cast ng pelikulang Rainbow Sunset na sina Tony Mabesa (SLN) at Kristoffer King ng Kristo (SLN).

 

Si Ms. Lilibeth ang personal na tumanggap ng award ni Manoy and was given the chance na makapag-speech.

 

After the ceremony, pinagbigyan niya kami sa isang exclusive interview sa red carpet ng 4th Ambassador’s Night.

 

“Ano ang napi-feel ko? Masayang malungkot. Masaya, dahil may award na naman siya, in life and after death.”

 

Every time na tatanggap ng award si Manoy, kahit sa ano’ng award-giving body, lagi siyang nauunang dumating sa lahat ng mga artista.

 

“Ay, oo. At ang aga-aga namin. Siya palagi ang pinakamaagang dumarating. Kami rin ang pinakahuling umaalis,” pag-alala ni Ms. Lilibeth.

 

Inamin din niya na hanggang ngayon ay araw-araw pa rin niyang nami-miss si Manoy. And since he’s been gone, life is not the same anymore.
“Well, I have to move forward and I’ve been waiting for the enactment of the HP 181 which will be later, probably named, Eddie Garcia Law. I feel happy for his colleagues in the movie industry because, that’s his legacy and his gift.”

 

Kung hindi pa raw naaksidente si Manoy, walang ganitong batas na maipapasa.

 

“Oo, siguro. You know, offshoot ito ng aksidente niya, ‘di ba? Kaya napagtuunan ng pansin ng gobyerno.”

 

Pero masaya naman daw siya sa pagpasa ng Eddie Garcia Law. And she does not consider na na-justify nito ang aksidente na naging dahilan ng pagpanaw ni Manoy.

 

“No, it’s probably next lang ako sa pagmamahal sa kanyang puso. Unang-una, ang kanyang career. So, I’m happy na may maiiwan siya sa kanyang mga colleagues. At saka sa akin na ‘to, itong trophy.”

 

Nakatago pala kay Ms. Lilibeth ang mga trophies at awards ni Manoy.
“Maraming humihiram sa mga trophies niya sa Bicol. Kaya lang, ang dami-dami, papaano ko dadalhin ‘yung sa Bicol?” natatawa niyang sabi.

 

Lastly, kinumusta namin ang pakikipag-usap sa kanya ng GMA-7.
“Ah, I haven’t talked to GMA, ever,” diin niya. 
“(Pero) Hindi na. Okey na. Hindi ko na mabubuhay si Eddie. So, nandoon na siya. No more miseries.”

 

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr