Bulgar Big Logo.jpg

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2019 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc. 

Sabillo, pababagsakin si Kimura sa deadly combination

February 15, 2020

 

Pakay ni dating world champion Merlito Sabillo na maitarak ang pinakamalupit na knockout win laban kay Japanese fighter Sho Kimura sa “Deadly Combination” boxing card ngayong Sabado sa Manila Arena sa Sta. Ana, Manila.

 

Nais ni Sabillo na makabalik sa porma matapos lumasap ng masaklap na kabiguan sa kamay ng kababayang si Edward Heno at Chinese bet Jing Xiang sa kanyang huling dalawang laban noong 2018.

 

Aminado si Sabillo na hindi ito magiging madali dahil matikas at malalim din ang karanasan ni Kimura. “Mabigat din talaga ‘yung kalaban (Kimura) pero gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para manalo. Kung puwede knockout, gagawin ko,” ani Sabillo sa 55th Usapang Sports ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) sa National Press Club noong Huwebes.

 

Kaya naman ibubuhos ni Sabillo ang lahat upang muling paningningin ang kanyang pangalan. Uhaw din sa panalo si Kimura na nahubaran ng WBO light flyweight title noong nakaraang taon. “I come here to win,” sambit ni Kimura sa tulong ng interpreter.    

 

Samantala, isinusulong ng Fiberkinetics ang paggamit ng modern at high-quality standard na kagamitan basketball, maging streetball 3×3 at three-point shootout.

 

Iginiit ni Ian Navarrosa, Sales and Marketing Manager batay sa ipinatutupad na ‘international standard’ ng International Olympic Committee at International Basketball Federation, aniya, “napapanahon at marapat lang na suportahan natin ang 3×3 basketball dahil talagang malaki ang tsansa natin na umangat sa international competition, kaya kami sa FiberKinetics ay tumutulong upang maipakita sa basketball community ang buting maidudulot sa sports development kung de-kalidad ang equipment na gagamitin sa basketball court tulad nang aming produkto,” pahayag ni Navarrosa sa kanyang pagbisita sa (TOPS).

Share on Facebook
Share on Twitter
Please reload

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

TOP STORIES

Please reload

.                                                                                      .                                                                                      .

  • hamburger icon blgr